Masakit man isipin ngunit malapit nang mamatay ang course naming “ECONOMICS” hindi lang sa Letran pati na rin sa ibang mga colleges and universities tulad ng San Beda, U.P. UST, Ateneo, etc. Kami ng dito sa Letran, PITO (7) lang kaming nagtitiyaga sa demand and supply, opportunity cost, scarcity, eck-eck. Ceteris Paribus. Buti pa yung course na Management, Coomunication Arts, I.T. at Hospitality Management sa Letran hindi nilalangaw. Samantalang yung course namin, hindi lang nilalangaw, INUUOD na! Grabe kung pwede lang pwersahin yung mga graduating highschool students na kumuha ng kursong ECONOMICS dito sa Letran e ginawa na ng Org namin. “MANY ARE CALLED BUT FEW ARE CHOSEN” - yan ang motto ng mga certified demand and supply busters! Katwiran naman ng mga estudyante na kumukuha ng mga in demand na course tulad ng nursing, e, MALAKI DAW ANG SWELDO.
Ngunit maraming hindi nakakaalam sa mga kabataan ngayon na ang “ECONOMICS” course ay makapagbibigay sa kanila ng malakingsweldo kaysa sa nursing, I.T. or HRM. Ayon sa survey na ginawa sa Amerika, ang mgha Ekonomista ang may pinakamalaking sweldo kumpara sa mga ibang propesyon. Heto ang detalye (SWELDO NILA ANNUALLY):
ECONOMISTS- $49, 960
ENGINEER- $47, 110
COMPUTER TECHNICHIAN, SOFTWARE DEVELOPER- $40, 250
CIA AGENT- $38, 960
US ARMED FORCE PERSONNEL-$27,610
DOCTOR- $ 27, 550
NURSING- $37,250
ILAN LANG YAN MGA SIKAT NA PROPESYON NA DOMINANT SA STATES. Kung mapapansin niyo na malaki dihamak ang sweldo ng mga ekonomista kesa sa mga ibang propesyon. Pwera pa diyan yung mga stocks, and shares at mga iba pang raket ng mga ekonomista. Kaya yung mga ekonomista, 40 years old pa lang retired na! Bakit? MAYAMAN NA SILA. THEIR MONEY IS WORKING FOR THEM, sabi nga ni Robert Kiyosaki. Yung mga Nursing, “THEY WORK FOR MONEY.” Nakita mo yung difference?
Talagang marami kang benefits na makukuha kung Economics graduate ka. In-demand ka sa mga companies sa Makati. Yun nga lang marami ang hindi nakapansin na malaki lang ang sweldo dahil ang iniisip lang nating mga Pinoy ay, “kahit anong natapos, basta malaki ang sweldo.” Kahit nga siguro kung malaki ang sweldo ng katulong kaysa sa nursing e, marami sa atin ang magpapa-alipin na lamang…
sad to say…
ANO, SHIFT KA NA SA ECONOMICS?!
Lunes, Marso 31, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
1 komento:
apir.
Mag-post ng isang Komento