Kaaalis lang ng tatay ko papuntang Gibraltar habang itinatype ko ito. Magtatrabaho na naman siya sa ibang bansa. Seaman kasi ang tatay ko. Papunta siyang Gibraltar dahil naroroon ang barkong sasakyan niya. Hindi na ako sumama pa sa airport dahil alam kong malulungkot lang ako. Pero no choice, kailangan niyang maghanapbuhay upang may ipantustos sa aming mga gastusin sa araw-araw. Minsan tinanong ko sa tatay ko kung pwede siyang magtrabaho dito sa Pinas upang hindi na siya mawalay sa amin. Kaso ang sabi niya “Dito ako magtatrabaho sa Pilipinas? Naku! Maghihirap tayo niyan! Walang oportunidad dito kaya mamumulubi tayo.”
Kung sa bagay may point ang tatay ko. Facing the reality, aminin man natin o hindi e TALAGANG WALA KANG OPORTUNIDAD NA MAKUKUHA DITO SA PILIPINAS, maliban sa call centers na halos pinuputakte ngayon ng mga jobless. Jobless… Unemployment… Ayon nga sa prof ko sa Labor Economics na si Dr. Paradise, almost 1 million filipinos are jobless, and some are underemployed. Maraming walang trabaho. Kulang ang mga employers. Lahat Kulang…
Minsan hindi natin masisisi ang mga snatcher, robber, at mga drug pusher dahil kahit na pilitin nilang maghanapbuhay ng marangal e talagang wala silang mapapala. Magugutom lang sila at mamatay. Tapos kulang pa sila sa edukasyon… saan ngayon sila pupulutin kung hindi sila kakapit sa patalim?
Hay, kelan ba uunlad ang Pilipinas? Kailan ba magiging comportable ang pamumuhay nating mga Pilipino? Siguro kulang lang tayo sa pagkakaisa. Hanggat hindi pa huli ang lahat, dapat na natin baguhin ang sistema ng ating bansa.
GO TRILLIANES! YOU’RE THE MAN! Hehehe!
Lunes, Marso 31, 2008
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento