Lunes, Marso 31, 2008

NAKAKAHIYANG EXPERIENCE!!!

HINDI KO PA RIN MAKALIMUTAN yung nangyari sa aking kahihiyan kanina lamag (mga 2:30 pm). Paano ba naman kasi, nasampulan ako sa recitation namin. Nakakahiya, imbis na maimpress sa akin yung prof ko e pinagtawanan pa ako.

Ganito kasi iyon, pagkatapos ng nakakaimbiyernang quiz ay nagpagawa ng activity si Prof… Ang topic namin, kung hindi ako nagkakamali e, tungkol sa mutualism, commensalism, predation blah-blah. Naggroup kami into 5. Nasa group 2 ako. Tapos ipinagawa sa amin yung activity sa book namin sa ecology WITHOUT ANY EXPLANATION. Kami naman si tanga, ginawa namin even if WALA KAMING ALAM SA ipinagagawa ng balyena naming prof. Nagkaroon kami ng madugong brainstorming ng mga kagroup ko. Pagkatapos noon e tinawag na ng prof namin yung mga leaders ng group. It’s showtime.

E, anak ng teteng! Ako ang ginawang leader na magsasalita sa harap ng klase. Kahit na wala akong alam sa mga pinaggagawa nila e no choice kundi ang tumayo. Nahulaan ko na agad na magiging mukhang tanga ako sa harap.

“As I stand up in the middle of nowhere, I began to die due to grieve embarrassment.” Nagsalita ako sa harap. Kunwari matalino. Inexplain ang hindi ko kayang iexplain. Sa bandang huli daig ko pa ang basang sisiw sa sobrang hiyang nadanas ko. Isa pa, English ang medium of instruction namin sa ecology kaya talagang para akong nabuhusan ng suka kung tatantiyahin mo ang pamumutla ko. Hindi ako fluent in English because I grew up outside the Philippines, particularly in France, and English language is not an elective with regards to their basic curriculum. Ayos na sana ang pagiging matalino kuno nang biglang may umepal na isang bwisit kong kaklase. “Why is it the relation of that orchid to that bee is commensalism?” Tanong sa akin ng isa pang nagmamagaling kong kaklase. (Hint: Ikaw na lang ang humusga sa english grammar niya.)

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nasa isip ko noon na tumalon na lang sa building ng school namin para matakasan ko ang kahihiyang magaganap sa akin. Nagsalita ko, kahit papaano–in Filipino. Kaso umepal ang isa ko namang kaklase na akala mo maganda e mukhang pwet ng kabayo kung titignan mong mabuti. “Espik e inglis!” Sabi ng bratinelang bruha.

“Can I speak in tagalog?” Hirit ko. “I’m not fluent in english.”

“Espek in Inglesh.” Epal ng prof ko.

No choice kundi magsalita ng English. Kaso anak ng tipaklong! Nablangko ang utak ko kaya hindi ko alam kung anong English word ag sasabihin ko. “Aaah… Aaah?”

“Gu on.” pasikat pa ng prof ko na halata nang gusto nang kumain ng isang banyerang kanin at sampung tinuhog na litson.

“A…e….i…e…a ” patuloy ako sa panginginig. “Sorry I can speak in English fluently. Pwede bang magtagalog? French lang ang kaya kong bigkasin?” Hirit ko.

Biglang nanlaki ang mata ng prof ko. Sabay sulsol naman ng mga papansin kong mga kaklase. “Espik in Prench.” Epal ng isa.

Ako naman si gago, nagsalita ng French. Kaso napagtanto ko na para akong unggoy na pinaglalaruan nila kaya napasigaw ako. “Ayoko na!” Sabay hampas ng libro. Minalas, sa kaklase kong babae tumama yung libro. Sorry… hindi ko sinasadya. Masyado lang akong cumpulsive… sabi ko sa kanya. Agad naman ako pinatawan ng kaklase ko. You’re my angel!

Nagtawanan ang buong klase. Humirit naman ang prof ko. “Sige na nga upo ka na.” After that nagmukha akong basang sisiw sa buong klase. Nakakahiya talaga. Umupo ako na parang nawalan ng dangal. Gusto kong maihi sa salawal o umiyak. Lahat sila saksi sa pagkakapahiya ko sa klase… huhuhuhu!

Ngayon naunawaan ko na ang moral lesson. “Study if you are about to study or else you will become a bastard.” Sana sineryoso ko ang subject na english noong highschool pa ako.

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Merkur 37C Safety Razor Review – Merkur 37C
The Merkur ventureberg.com/ 37c is deccasino an excellent short handled https://septcasino.com/review/merit-casino/ DE 1xbet korean safety razor. It is more suitable for both heavy and non-slip hands and worrione is therefore a great option for experienced