Lunes, Marso 31, 2008

12 DIFFERENT TYPES OF GAYS by Kuya Harry

May 12 NA iba’t ibang klaseng gays:

1. CLOSET GAYS - the basic, mga baklang ayaw umamin ng kanilang kabaklaan. Sila ay madalas na pigil at laging pinag-iisipan ang kanilang kilos. Madalas pag nasa maraming tao, kilos lalaki sila pero pag dilim, dun lumalabas ang totoong kulay. Bukambibig: “Huwag kang maingay, hindi alam ng tatay ko na bakla ako!"

2. SISTER L - mga baklang lantaran sa kanilang mga kabaklaan. Sila yung mga nagdadamit ng pambabae, nagme-make-up, at yung iba, nagpapa-sex change. Bukambibig: “Punta tayo sa katabing bar, maraming mga lalaking gwapo dun!”

3. MACHO-CHOPA - mga baklang hindi mo aakalain dahil mas guwapo at macho pa sa tunay na lalaki. Ito yung mga baklang maskulado, nagdyi-gym madalas upang magpalaki ng katawan. Pero pag kumilos si macho-chopa e halata mo ring charing dahil mahilig magpa-cute sa mga guwapong trainor sa gym. Bukambibig: “Hi, can I know your number?”

4. MALDITAS - mga baklang nakakaimbiyerna, masyadong nagmamaganda kahit na mukhang pwet ng baso ang mukha. Madalas mataray, parang laging nireregla. Masyado ring insecure ang mga malditas sa mga magagandang babae. Bukambibig: “Che! Lumayas ka sa harapan ko! Sinisira mo araw ko! Bruha ka!”

5. SPICE GAYS - mga baklang elite, socialite, laging nasa mall, Starbucks, at madalas gumimik sa Malate. Kadalasan maiingay ang mga spice gays. Madalas binubuo sila ng 3-5 sa isang grupo. Madalas itong naka-wheels at mga branded ang sinusuot na damit. Madalas rin silang may shades na suot-suot. Sa pananamit naman, mahahalata mo rin na bakla sila dahil mas kikay pa sila kaysa sa mga babae. Pero hindi sila nagdadamit ng obvious na pambabaeng damit. To add, medyo mayabang rin ang mga spice gays. Bukambibig: “You know, I brought this bag to Italy. It’s Gucci and it is very expensive.”

6. SANTA CLARA - mga baklang may magandang determinasyon. Sila yung mga relihiyoso. Madalas sila nagiging mga katekista, minsan pumapasok sa seminaryo upang maging pari. Hindi gaanong lumalabas ng bahay dahil parating nagdarasal upang layuan siya ng tukso. Madalas silang active sa charity works at novenas. Kaunti lamang ang mga Santa Clara pero sila ang mga baklang huwaran. Bukambibig: “Diyos ko, tulungan mo po akong lumayo sa kahit anumang tukso. Amen.”

7. BUD-WISER - hindi ito pangalan ng alak o beer, another type ito ng gays. Ito yung mga baklang hindi madaling maloko ng mga lalaki kahit guwapo pa siya. Masyadong masinop sa pera at pessimistic with regards to men. Kadalasan sila yung mga nagtatagumpay sa buhay. Minsan mas pipiliin pa niyang mag-asawa ng girl kahit na diring-diri siya kaysa kuwartahan ng lalaki. Kaya siya nag-aasawa ng girl dahil para hindi siya makuwartahan nito. Bukambibig: “Manloloko silang lahat!”

8. SANTA CLAUS-A - opposite ng BUD-WISER, mga baklang bigay-kaya - sa lalaki niya o sa mga kaibigan, kapamilya o kamag-anak niya. Madalas walang pera ang mga Santa Clausa. Sila ang mga baklang madaling maloko. Magastos rin ang mga ganitong type ng gays. Bukambibig: “Anong gusto mo? Ibibigay ko ang lahat kahit wala na akong pera.”

9. DETECTIVE CHUVA - mga baklitang daig pa ang isang detective kung subaybayan niya ang kanyang “special someone”. Ika nga, stalker. Lahat ng tungkol sa kanyang crush e alam niya. Ni ultimo kung kailang ang birthday, kung ano ang favorite food, favorite movie, favorite hung-out, favorite blah-blah. Madalas siyang panakaw kung tumingin. Pasulyap-sulyap lang kuno pero pinagnanasaan na pala niya. Bukambibig: “Mapapasaakin ka rin balang araw…”

10. HANDSOMMA (Pronounciation: hand-sa-ma) - mga gays na biniyayaan ng mukha. Heto yung mga tipong habulin ng babae. Minsan ang mga Handsomma ay closet gay, pilit na itinatago ang tunay na pagkatao. Sa panlabas, chickboy si Handsomma pero deep inside, lalaki ang gusto. Sayang ang kaguwapuhan ng mga ito at tiyak na ang laking panghihinayang ng mga babae. Bukambibig: “Yuck, hindi tayo talo noh!”

11. ECLATUGZ - mga gays na mahilig tumagay. In short lassenggera este lassengero. Mahilig mag-aya ng inuman si Eclatugz lalo na kung ang aayain niya e yung crush niya. Kunwari aayain ng Eclatugz ang kanyang crush sa isang inuman. Tapos pag nalasing na ang kawawang guy, patay siya! Tiyak pagpipistahan na siya ng mga Eclatugz. Bukambibig: “Pare, inuman tayo! Minsan lang toh noh!”

12. MANIACS - mga uri ng gays na maling determinasyon. Ito yung mga maniacs o mapang-nasa sa kapwa lalagi. Heto yung tipong gay na gagawin anglahat para lamang masatisfy sa kanyang carnal hunger. Madalas ay pedophile or maaaring hustler ang mga maniacs. Bukambibig: “Sa akin ka lang! Sa akin ka lang kung ayaw mong mamatay!”

Heto ang walong types ng gays. kung may idadagdag ka pa, make a comment na lang.
hehehe!

2 komento:

Jffklein ayon kay ...

wala akong mapaglagyan! hindi ko alam kung saan ako lulugar.. hahahahha

Unknown ayon kay ...

kuya.. bkit prng wla me dun sa 8 type ng gay....