Lunes, Marso 31, 2008

PAANO MO MALALAMAN KUNG ANG BF MO AY GAY O HINDI?

Tanong sa akin ng pinsan ko kahapon sa text: paano mo malalaman kung ang BF mo ay gay o hindi?. reply ko: ANAK NG… BAKIT AKO BA ANG DAPAT TANUNGIN SA MGA GANYANG BAGAY?
Pero para hindi ako maging mukhang suplado sa pinsan ko, heto ang mga dapat gawin upang malaman mo kung ang BF mo ba ay MACHO o MACHO-MACHOCHOPA. Hehehe!

1. The basic: Ang mga lalakweng nagtatago sa kanyang closet ay takot sa mga maliliit na creatures especially ipis, o daga. Tip: Subukan mong magpain ng ipis sa kanya. Kunwari ay nag-uusap kayo sa inyong bahay nang biglang may eeksenang ipis o daga sa pwesto niyo. Kapag siya ay nagtatalon o tumili ng napakalakas… BAKLA IYON. Pero may mga lalaking takot din sa ipis kahit sabihin mo pang macho iyan pero ang mga MACHO, kahit takot na madapuan ng ipis ay tatapakan at dudurugin lang niya ito, hindi magkukubli sa iyong palda na parang nakakita ng multo.

2. SUBUKAN MONG MAG-MAKE UP SA HARAP NIYA at alamin mo ang magiging reaksyon niya. Kung tatanungin niya sa iyo ay: “Saan mo nabili iyan?” o “Paano ba gamitin iyan?” ikaw na lang ang maghusga. Tapos siyempre tatanungin mo: “Bakit mo tinatanong?” Siyempre sasagot siyang : “Para alam ko kung saan bibili ng ipapangregalo ko sa iyo sa ating monthsary.” Ikaw babae, malakas naman ang pakiramdam mo kaya pakiramdaman mo ang tono ng boses niya. Madali namang malaman kung nagsisinungaling ang iyong boyfriend o hindi.

3. SUBUKAN MONG MAGHULOG NG PANYO O KAHIT ANO MANG BAGAY SA HARAP NIYA AT hayaan mo siyang damputin iyon para sa iyo. Kapag lumuhod siya hawak-hawak ang kanyang dibdib, e BAKLA IYON! Isipin mo, bakit pa niya hahawakan ang dibdib niya e wala namang luluwa sa kanya unlike sa mga babae. Hindi gawain ng tunay na lalaki ang ganong style.

4. TIGNAN MO LAHAT NG MGA PERSONAL BELONGINGS NIYA (e.g. bag o panyo). Pag masyadong maayos as in parang walang mikrobyong naninirahan doon, e, magduda ka na. Ang tunay na lalaki ay hindi super selan. May iba na maselan pero hindi naman tulad ng pahid ng pahid ng alcohol sa kamay tuwing hahawak ng maduduming bagay. Idagdag mo diyan, obserbahan mo kung pumipilantik ang mga daliri niya kapag naghahawak siya ng mga maruruming bagay. Yucky-di-dak-dak!

5. HABANG NASA MAGAZINE STAND KAYO O SIMPLY NASA IYONG LIVING ROOM, MAGLATAG KA NG DALAWANG KLASE NG MAGAZINES: Isa may cover na babae tulad ng FHM at ang isa ay may cover na lalaki naman ang cover tulad ng HIM Magazine (Tiyakin mong yung lalaking cover sa magazine na iyon ay gwapo, semi-naked at seducing). Tapos iwanan mo siya sandali. Kung tunay siyang lalaki YUNG MAGAZINE NA MAY BABAENG FRONT COVER ANG UNA NIYANG DADAMPUTIN. Uuzi siya ng kaunti. Kung ang una niyang dinampot e, yung may FRONT COVER NA LALAKI, e, medyo sabit iyon. ANG TUNAY NA LALAKI AY MAHILIG TUMINGIN NG MGA PICS NG MGA BABAE lalo na kung naka swimsuit o naked. Kahit anong sabihin mo o kahit selosa ka e titingin at titingin rin iyan at hindi mo iyan makokontrol. Pag sabit naman ang BF mo, siyempre mas tinitigasan siya kapag nakakakita siya ng hubad o sexy na lalaking tulad niya. Isipin mo… Logical di ba?

ILAN LANG IYAN sa mga dapat gawin upang malaman mong BAKLA BA O HINDI ANG IYONG BOYFRIEND. May mga susunod pa kaya antabay ka lang…
Sana makatulong ito sa iyo kahit ng kaunti para hindi ka magkaroon ng sakit ng ulo dahil malay mo one of this days e may karibal ka na sa puso niya…

Walang komento: