Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Joke Time. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Joke Time. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Marso 31, 2008

10 THINGS TO DO WHEN YOU’RE BORED

BORED NA BORED NA AKO! Ano ba ang dapat kong gawin upang maging masaya? Siguro heto na lang ang gagawin ko para mapaligaya ko ang aking sarili… - Matt
To Matt: Kung bored na bored ka na sa iyong buhay, heto ang ilang tips para mapaligaya mo ang iyong sarili.

1. PAPAKIN ANG KAPE KUNWARI MILO.

2. KUNG AYAW MO NG KAPE, ISANG DOSENANG BALUT!

3. PAG-ARALAN ANG LANGUAGE NG MGA IPIS, DAGA, BULATE AT SUROT AT SILA’Y KAIBIGANIN.

3. KUNG NANDIDIRI KA SA MGA NILALANG NA ITO, PUMUNTA KA NA LAMANG SA ISANG SULOK AT KILITIIN ANG SARILI.

4. KUNG TRIP MO, E PAGDISKITAHAN MO YUNG INIDORO NG BAHAY NINYO, PUNUIN NG TUBIG ANG INIDORO NIYO!

5. WHEN CURIOSITY ARISES, PAGHIWALAYIN ANG COFFEE CREAMER AT SUGAR SA 3-IN-1.

6. KUNG BORED KA PA AT NAIINITAN KA NA, PAGKASYAHIN MO ANG SARILI SA REF PARA COOL.

7. KUNG BORED KA NANG MAGCOMPUTER, BASAGIN ANG MONITOR, GAWING FLYING SAUCER ANG KEYBOARD, GAWING DOLLHOUSE ANG CPU.

8. KUNG BORED KA PA, MAGKUTO KA NA LANG NG BUHOK O KAYA’Y MAGBILANG NA LANG. ISA-ISA.

9. KUNG HINDI PA UMUBRA, MAGBUNGEE-JUMPING KA, TUMAMBLING O MAG-ACROBAT SA HAGDANAN PARA MASAYA.

10. KUNG GUSTO MO NG HARDCORE, E, HETO MAS MAGANDA, SUNUGIN ANG BAHAY AT SUMIGAW NG YEHEY!

hehehe!

10 KLASE NG MANGINGINOM… A COMPILATION

Grabe talaga nung isang araw, matapos dumalo ng kasal ng aking pinsan e, diretso na kaagad kami ng aking mga kaibigan sa kalapit na BEERHOUSE upang mag-inuman, walang sinasanto kahit na kabilin-bilinan ng aking lola na wag uminom. Pero tindi, naka-4 akong REDHORSE at hindi biro iyon! habang naglalasingan e napag-usapan namin kung anong klase kaming manginginom. Heto ng nagawa naming classification about heavy drinkers.

PASSAGE - mahilig magpass ng tagay.

THE HIKER - palipat-lipat ng pwesto para iwas tagay.

THE MARTYR - nagpapanggap na kaya pa kahit na senglot na.

KID SENTI - madami naaalala pag nakainom na.

THE FUGITIVE - umuwi ng walang paalam, naglalahong parang bula pag nakainom.

KUNG FU - KUNG FUmulutan, malupit, tirador ng pulutan, ginagawang picnic.

THE CHOSEN ONE - official runner sa tindahan. Bumibili ng yelo, yosi at alak.

SPIDERMAN - gumagapang na sa daan pag umuwi dahil sa kalasingan.

RESBAKERS - mga nakainom na palaging naghahanap ng away o gulo.

LIBHOGZ - mga nakainom na malupit pagdating sa sex, madalas kasama ng prosti.

– kung tatanungin mo ako kung anong klase ako ng manginginom, e, siguro mahahalera ako sa KUNG FU dahil tirador ako ng pulutan! hehehe!

MGA TANONG NA DAPAT BANATAN

1. BANGIN KA BA?
- NAHUHULOG NA KASI AKO SA IYO…

2. MAPA KA BA?
- COZ I’M LOST WITHOUT YOU…

3. DRIVER KA BA?
- COZ YOU’RE DRIVING ME CRAZY!!!

4. MAY KILALA KA BANG GUMAGAWA NG RELO?
- HUMIHINTO KASI ANG ORAS KO PAG KASAMA KITA…

5. PINAGLIHI KA BA SA KEYBOARD?
- TYPE KASI KITA…

6. ANONG HEIGHT MO?
- PAANO KA KAKASYA SA PUSO KO?

7. HINDI KA BA NAPAPAGOD?
- KANINA KA PA KASI TAKBO NG TAKBO SA ISIP KO…

8. ALAM MO, HINDI TAYO HAYOP, HINDI TAYO HALAMAN…
—— BAGAY TAYO! BAGAY!————

Hehehe, ipinasa lang sa akin iyan through text ni Ann. Wala lang, masyado lang akong natuwa. *ang babaw*

Joke Time!!!

Minsan nagdrawing si Bunso at kanyang ipinakita sa kanyang nanay…
BUNSO: Inay, tignan po ninyo drawing ko oh.
INAY: WOW! galing namang magdrawing ng MONKEY ang bunso ko.
BUNSO: Inay, KAYO PO IYAN…

------------------
ISANG PROBINSIYANO nagrent ng room sa isang hotel.
PROMDI: Alam ko na probinsiyano lang ako kaya sana wag mo akong lokohin! Bakit ganito ang room ko? Maliit,walang kama at bintana!
ROOMBOY: Sir, nasa ELEVATOR PA LAMANG PO TAYO. Wag po kayong excited!

Hehehe!

A Quote To Remember...

Natawa ako sa isinend sa akin ng former teacher ko sa Social Studies na si Ma’am Joy. Hindi ko makalimutan na hanggang ngayon e natatawa pa rin ako. Siguro masyado lang ako mababaw. Heto ang detail, unedited.

VIRGINITY

causes

CANCER
and

CANCER leads to death…

So to save your life and others, SHARE YOUR VIRGINITY…

Please pass this message to your virgin friends…

(Tapos may sumingit na message)

AY PUCHA, WRONG SEND!
=)

Mga Makabagong Kasabihan: KAGANDAHAN EDITION

Para sa mga magaganda…
“AANHIN MO PA ANG GANDA KUNG WALA KA NAMANG PAPA…”

Para sa mga gustong magpaganda-retokada…
“KUNG GUSTO MONG MAGLANDI, TIISIN MO ANG HAPDI!”

Para sa mga feeling maganda…
“TALBOG ANG MATIGAS NA TINAPAY SA TIGAS NG MUKHA NG NAGMAMAGANDANG INDAY!”

Para sa mga walang ganda…
“MABAIT MAN DAW AT MAGALING, ANG CHAKA-CHAKA PA RIN!”

hehehe!

PAG NAGMAHAL KA NG MAY COURSE NA…

FINEARTS - Drawing lagi ang sinasabi

ENGINEERING - Hanggang plano lang

PSYCHOLOGY - may saltik

CRIMINOLOGY - Bantay sarado ka

I.T. - Bobolahin ka lang sa internet

EDUCATION - tuturuan ka lang ng kung anu-ano

MASSCOM - Puro pacute lang

LAW - Sinungaling

DOKTOR - Puro salita lang

ECONOMICS - Titipirin ka lang

NURSING - MAALAGA, MAPAGMAHAL, LOYAL, UNDERSTANDING, CUTE, MAGALING PUMORMA, SAYA KASAMA, MABANGO, MALINIS TIGNAN, MATALINO, ANDYAN LAGI SA TABI MO, SAAN KA PA?

hehehe!

EXAMPLE NG MGA HINDI TAMANG SAGOT SA MAAYOS NA TANONG:

1. “Kumain ka na?”
- “BUSOG PA AKO.”

2. “Andyan ba ang nanay mo?”
- “BAKIT PO?”

3. “Anong oras klase mo?’
- “MAMAYA PA.”

4. “Saan kayo galing, ‘tol?”
- “NAGLAKWATSA LANG KAMI, ‘TOL.”

5. “Paano mo ginawa iyan?”
- “MADALI LANG…”

6. “Bakit wala ka kahapon?”
- “ABSENT PO AKO MA’AM!”

7. “Anong oras na?”
- “MAAGA PA!”

At ang malupit…

8. “Saan ka na?
- “PAPUNTA NA!”