Lunes, Marso 31, 2008

LOVE TALKS 2: Paano mo mapaliligaya ang iyong BF sa inyong sex…

Nag-email sa akin ang isang tagasubaybay ng Kuya Harry’s blog at nagtatanong sa akin kung may maipapayo ako sa kanya. Heto kasi ang problema ni Miss Anonymous: May boyfriend siya at malapit na silang ikasal. Gawi na nilang maglaro sa apoy every week kaso hetong mga nagdaang araw e parang lumamig sa kanya ang kanyang boyfriend. Bakit kaya? Kasi ang kutob niya e parang nawawalan kasi ng gana sa sex ang kanyang boyfriend kasi sa daming kadahilanan at masyado nang personal. Ngayon ay naghahanap siya ng karamay at upang mapayuhan siya kung ano ang nararapat na gawin para bumalik sa dati ang kanyang boyfriend.

– To Miss Anonymous,

Hindi kaya may “iba” iyang boyfriend mo kaya parang nanlalamig na siya sa iyo? Napapansin mo bang kakaiba ang kinikilos ng BF mo? Ewan ko lang, baka may kinalolokohan iyang iba. Anyway, baka naman masyado ka namang walang ka-thrill itong mga nagdaang araw. May ipapayo ako sa iyo:

a. Magpaganda ka - baka naman kaya nanlalamig sa iyo yang BF mo e baka hindi ka nag-aayos ng sarili? Kung tama ako, magpaganda ka ngayon din! Mag-make-up ka o magpabango. Tiyak ko sa iyo na babalik ulit sa iyo yang BF mo.

b. Artehan mo ang paligid/ kuwarto niyo para namang inviting - di kaya masyado namang kulob, mainit o uncomfortable yang kuwarto ninyo kaya nawawalan siya ng gana. Kung heto ang kasagutan, ganito ang gawin mo: maglagay ka ng mga scented na candles sa bawat sulok tapos ayusin mo ang inyong kama. Tiyakin mong bagong laba yung mga unan at kumot at may sapat kayong bentilasyon.

c. be sexually adventurous - baka kaya na nanlalamig si BF kasi super boring kang kasiping! Minsan naman maging daring ka kahit kaunti lang para kahit papaano e may thrill naman iyang paglalaro ninyo.

heto lang ang 3 sa mga tips para balikan ka at maging mainit ulit sa iyo ang iyong BF. sana makatulong ito kahit papaano.
ciao! =)

Walang komento: