Lunes, Marso 31, 2008

LOVE TALKS 1: Paano ka hihiwalayan o ma-tu-turn-off sa iyo ang iyong stalker na hindi mo gusto

Nag-email sa akin ang aking friend na si Michelle (di tunay na pangalan) at humihingi sa akin ng payo. May stalker at manliligaw siya na kulit ng kulit sa kanya. Parati daw siyang sinusundan, binibigyan ng flowers and chocolates, minsan hinahatid papuntang school, panay ang text sa kanya, at madalas tumatanaw sa bahay nila. Naiirita masyado itong si Michelle dahil hindi niya type ang guy. Guwapo naman ang guy at rich, kaso medyo mayabang daw ng kaunti. Ayon pa kay Michelle, mayroon siyang crush at ayaw niyang ma-turn-off iyon sa kanya kung parating sunod ng sunod ang pesteng guy na iyon. Baka raw mapagkamalan pa siyang flirt. Ngayon e nag-text sa akin si Michelle at masyado siyang naguguluhan kung ano ba ang dapat niyang gawin upang layuan siya ng kanyang stalker na hindi niya masasaktan ang damdamin ng guy. Baka raw kasi balikan siya niyon kung magtataray siya at bastusin niya iyon.
Anyway Michelle, masyado namang mahaba ang hair mo at may stalker kang guwapo na e rich pa. Pero kung ayaw mo talaga sa kanya e may mga paraan tayo diyan.

1. Ipagtapat ang tunay na nararamdaman - kailangan maganda ang mood mo, malumanay ang boses at direct to the point kung magtatapat ka sa kanya na hindi mo siya type. Gandahan mo ang pagsabi ha, huwag pataray o pabastos. Be humble. At sabihin mo sa kanya na marami namang girls diyan sa tabi-tabi na pwede ulit niyang ligawan.

2. Para hindi naman offensive, medyo magpakita ka na alam mo na matuturn-off siya sa iyo. Bibigyan kita ng mga halimbawang gawin upang siya mismo ang ma-turn off sa iyo.

a. Una, HUWAG KANG MALIGO. Tignan lang natin kung makatitiis pa siya. Ang mga guys e gusto nila parating bagong ligo ang mga girls. Kung hindi ka maliligo kapag haharap ka sa kanya e tiyak na turn off kaagad siya sa iyo. Tiyakin mong medyo papangitin mo ang hitsura mo para mas effective.

b. Kung aayain ka niya sa kainan. Go for it. Pero LAKASAN MONG KUMAIN. YUNG TIPONG OORDERIN MO NA YUNG LAHAT NG PAGKAIN SA RESTAURANT O FASTFOOD NA PAGKAKAINAN NINYO. Hindi ko naman sinasabi sa iyo na ubusin mong lahat, maganda nga kung oorder ka ng marami tapos siya lang ang magbabayad, pero magtitira kao hindi mo uubusin lahat ng pagkaing inorder mo. Naku, subok na iyan iha. Kaya go na!

c. HUWAG KANG MAG-MAKE-UP kapag kaharap mo siya. Naku, effective iyan para layuan ka ng nanliligaw sa iyo na hindi mo gusto. Dito kasi lalabas ang totoo mong appearance. Make-up kasi ang nagpapadagdag sa appeal ng isang babae. Kung wala nito, hindi ka papansinin ng lalaki. Try mo. Tiyak hindi na siya maghahabol sa iyo.

d. MAGING TAKLESA, PRANGKA, MALASWA (sa pananalita pag kaharap mo siya) o MAGING RUDE. Isa pa rin iyan sa mga effective para layuan o tigilan ka niya. Ipakita mo na masama ang ugali mo sa kanya. Tignan mo, mawawala na lang siyang bigla sa iyong paningin. Paano kasi na-turn off na siya sa iyo.

Ilan lang iyan sa mga tips na dapat gawin kung hindi mo talaga gusto ang guy na iyon na parating kulit ng kulit sa iyo. 100% siya ang kusang lalayo sa iyo. Paano iha, sa susunod ulit, ha!

Walang komento: