Lunes, Marso 31, 2008

Speaking of Virginity

Speaking of virginity, ayon pala sa latest survey sa Amerika, halos 96% ng mga babae roon ay nadedevirginized at a young age. Ibig sabihin bata pa lang, suguro mga ages 13 and up, e nagkakaroon na ng mga sex experiences. Sa mga lalaki naman daw, mga age 15 daw una nilang naeexperience ang sex, particulary after their JS Prom, e yugyugan na sila sa kama.
Dito naman sa Pilipinas, halos lahat tayo yumayakap sa kultura ng Amerika. Ugali, pananamit at mga ideya ay hinahango natin sa mga Kano. Pati na rin ang pagiging LIBERATED ng iba sa ating mga kababaihan e nagaya sa mga Westernized countries. Sabi nila, sila raw ay westernized breeding… kaya palagi nilang pinagmamalaki na nasa makabagong mundo na raw sila. Brown Americans.

Minsan nakita ko yung mga kaklase kong lalaki sa Physical Education 4 (Team Sports) na nagkukumpulan sa isang tabi at mukhang may pinagkakaguluhan. Nang lapitan ko sila, nagulat ako dahil ang pinagkakaguluhan pala nila e yung cellphone ng kaklase ko. Hindi yung cellphone ang pinagkakaguluhan nila kundi yung sex video na naroroon. Sabi ng kaklase ko, Casino Filipino Scandal daw yung pinapanood nila. Dahil sinumpong ako ng manly instincts, nakinood rin ako.
Naroon sa video ang isang lalaki na sa tingin ko e foreigner. Hubo’t hubad siya at tila may niyuyugyog. Habang lumalapit ang focus, napagtanto ko na ang niyuyugyog pala ng foreigner ay isang babae. Nagsesex sila sa video. Laking gulat ko na ang babae ay kakulay ng aking balat. Pinay! Kaagad na nawala ang tigas ko at imbis na ma-L, napapikit na lamang ako. Naawa ako sa babaeng iyon, hinahayaan lang niyang babuyin siya ng foreigner. Siguro dahil binayaran siya para gawin lang iyon. Pero isipin mo, ipagpapalit mo ba ang iyong dangal sa kakarampot na pera?
Sabi naman ng mga ibang foreinger na kaibigan ko, kaya daw nila gusto ang mga Pinay e dahil mas hot daw ito kaysa sa mga Puerto Rican o Venezuelan. Game na game daw anytime! Napag-isip-isip ko, ganito na ba ang tingin sa mga Pinay? Sino ang may sala? Sino ang dapat sisihin? Dapat ba nating komprontahin ang mga foreigners at ipag-utos natin ang respeto?

Siguro epekto lang ito ng masyado nating pagyakap sa makabagong prinsipyo. Namatay na ang alaala ni Maria Clara- ang tunay na mukha ng mga dalagang Pilipina.

Walang komento: